Lagi na lang daw Ingles ang mga entri ko dito, kaya ngayon susulat naman ako ng Tagalog. Bilang unang Tagalog na entri, ikkuwento ko ang ilan sa mga kahiya-hiyang karanasan ko.
Una.
“Bibo” ako nung bata pa ako. Siguro dahil sinanay lang ako kung paano makitungo sa mga tao at mag-isip na marami akong talento. (kuno) Nasa Prep pa lang ako nang dumating ang Kool-Aid Juicers sa paaralan naming upang magkaroon ng programa at ianunsiyo ang kanilang produkto. Madaming palaro at mga papremyo. Biglang nagtanong kung sinong bata ang gustong magpakita ng talento. At sa harap ng buong elementarya at mga guro, buong tapang akong nagtaas ng kamay at nagsabing “Ako po! Kakanta ako!” Tinawag ako sa harap. Pagdating sa plataporma, tumayo ako ng buong tapang at kumanta ng “Tigyawat sa pisngi, pati na sa ilong…. Parang ice cream na natutunaw…..” Nagpalakpakan ang lahat at nagsigawan ang mga kaklase ko. Ako naman ay kumaway sa kanila. Wala akong ideya noon kung ano ang ginawa ko. Ang nararamdaman ko lang noon ay masaya ko at masarap kumanta. Buti na lang at halos 18 taon na ang nakalilipas. Hindi na siguro ako natatandaan ng mga guro ko at hindi na iyon naaalala pa ng mga kaklase ko. Sa ngayon, subukan ninyong pakantahin ako sa plataporma at susuko kayo bago ko gawin iyon.
Ikalawa.
High School na ako noon. Palagi akong nakaupo sa harapan kasi sa letrang A nagsisimula ang apelyido ko – ALICIAS. Kaya gustuhin ko man sa likod, sa harapan at minsa’y sa gitnang gitna ako nakaupo. Isang araw, absent ang guro namin sa isang subject. Kaya ayan na naman at kwentuhan ang mga kaklase ko. Sobrang saya namin at malakas ang tawanan. Maya-maya nakaramdam ako na gusto kong pumunta sa banyo – para na rin makalabas sa silid at makalibot. Ayos lang sa akin na mag-isa sa banyo kaya nagpunta ako doon. Pagkatapos ko gumamit nag-ayos ayos at nagpaganda. Tapos lumabas na ako at dahan dahang naglakad pagbalik sa silid-aralan. Dahil wala naming guro, dahan dahan pa ko. Sabi ko sa sarili ko “Ang ganda pala ng paaralan ko pag hapon. Maganda ang mga bulaklak. Masarap ang sikat ng araw.” Sumilip-silip pa ako sa silid ng ibang estudyante baka may makita akong kakilala at mangitian. Pumasok na ako sa silid at umupo sa harap. May kukunin sana ako sa bag ko pero hindi ko makita.Teka. nawawala ang bag ko. Aba pinaglaruan na naman yata nila. Humanda ang katabi ko, hindi niya binantayan. Humarap ako sa katabi ko para tanungin siya. Teka. Isang mukhang di kilala ang nasa tabi ko. Sino siya? Sabi ko "SIno ka? anong ginagawa mo dito?" Sumagot siya "Dito ako nakaupo!" Teka parang mali. Biglang inaninag ko ang paligid tumingin ako sa harap at andoon ang guro, isang gurong hindi ko kilala at ang mga kaklase kong... hindi ko din kilala. "Iha, hindi ito ang silid mo." Patay! Isang malaking kahihiyan. Lahat sila nakatingin sa kin at nasa harap pa ko. "Joke lang po. Babye" Ang nasambit ko. At pagkalabas ko sa silid kumaripas ako ng takbo at bumalik sa silid ko.
Madami pa akong kahihiyan pero hindi ko na ikkwento. Eto ay mga magagaan lang. Eto lang muna ang ibabahagi ko sa inyo. Sa susunod na lang ang iba.

3 comments:
BWAHAHA! hirap na hirap magtagalog! :)) :P
naiimagine ko ang ka-cute-an mo nung bata ka, besya! wahaha!
hahaha :P
Cute pa ko nun.haha
Salamat para sa mga kagiliw-giliw na impormasyon
Post a Comment